Sunday, 8 February 2009

SA AKING PUSO





LAGI KITANG NAAALALA
HINDI MO LANG ALAM KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM KO
ANG BUONG AKALA MO AY NALIMOT KO NA
PANGAKO NA SAYO AY SASAMA

HINDI NGA SIGURO NGAYON ANG PANAHON
MALI ANG PAGKAKATAON
TAMA ANG PAG-IBIG NGUNIT KAY RAMI ANG MASASAKTAN
KAPAG PINILIT NATING LINGUNIN ANG ISA’T-ISA

ISIPIN MO AKO SA TUWINA
NARITO KA SA PUSO KO
KAHIT ISANG SAGLIT AY DI KITA NALIMOT
DAHIL SAYO NAG SIMULA ANG KULAY NG BUHAY KO

NGUNIT SA PAG IWAS KONG ITO
MALAMAN MO SANA, AT AKO AY MAINTINDIHAN
NA DAHIL MAHAL KITA
KALIGAYAHAN MO ANG HANGAD KO

SABIK AKONG MAYAKAP KA
IPARAMDAM SAYO NA MAHAL NA MAHAL KITA
SA GABI AY HANAP KA
NGUNIT ALAM KO’Y YAKAP MO SIYA

HINDI KO MAIBIBIGAY ANG PANAHONG NAIS MO
ANG PAG TALIKOD UPANG SUMAYA TAYO
DI MAKAKABUTI SA ATIN
KAY LAYO MAN NG PAGITAN, SA AKING PUSO AY IKAW LANG

SA IBAYONG DAGAT
HANGGANG SA HULING HININGA
SA KATANDAAN
DI KITA MALILIMUTAN

PAANO BA AKO MABUBUHAY NG WALA KA
GANITO RIN BA ANG NASA PUSO MO
INIISIP MO DIN BA AKO
AKO RIN ANG IYONG PANAGINIP

DARATING DIN ANG PAGKAKATAON
BAKA DI NGAYON
PERO ALAM KONG MAGKIKITA PA TAYO
MADADAMA MO AKO MULI

WALA AKONG TANGING NINAIS MAKASAMA KUNDI IKAW

LAHAT NG MASAYANG PANAHON
NASA AKING PUSO
PAULIT-ULIT NA BINABALIKAN
NGUNIT HANGGANG DITO NA LANG MAHAL KO...PAALAM

SA AKING PUSO IKAW ANG TANGING MAHAL
ANG TAONG NAIS KONG YAKAP, HALIKAN AT MAHALIN
NGUNIT IPINAG KAIT NG MUNDO SA AKIN
MINAHAL AT INANGKIN NG IBA

PAALAM LANG ANG KAYA KONG SABIHIN
MASAKIT MAN SA AKING MAKITA KANG LUMAYO MULI
ALAM KO,
IBIBIGAY KA SA AKIN PAG DATING NG TAMANG PANAHON

PAALAM MAHAL KO
MAG-IINGAT KA
ISIPIN MO AKO PAMINSAN
DAHIL NASA PUSO KITA TUWINA.



4 comments:

  1. nice blog, nice picture:-)

    W.W.
    http://myfavecorner.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. well, i don't know f dis is d right place but i want you to know the feeling is mutual. ang sarap basahin. ang sakit magbiro ng tadhana. kung alam mo lang how much i want to be wid you. god knows. i love u so much.....

    ReplyDelete
  3. Hi W.W, Thanks for the comment!I love Java beans and Frap too..thank u for visiting my blog!

    ReplyDelete
  4. Life is full of mix blessings....some we like, and some with live to accept..i think this is one of it.

    ReplyDelete